Skip to main content

Wikang Filipino: Karunungan at Kaunlaran

         
           Sa buwan ng Agosto, ipanagdidiriwang nating mga Pilipino ang Buwan ng Wika. Noong 1997, sa bisa ng Proklamasyon Bilang 1041, idineklara ni Pangulong Fidel Ramos na ang selebrasyon ng Wikang Filipino ay magaganap na sa buong buwan ng Agosto. Punong-puno ng mga aktibidades ang buwan bilang pagsaludo sa wikang Filipino at sa pagmamahal sa bansa. Ang pagdiriwang na ito ay magaganap sa ika-1 hanggang sa ika-31 ng Agosto.

        Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang punong abala sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. At ang tema ng Buwan ng Wika ngayong 2018 ay "Filipino: Wika ng Saliksik." Ang tema ay kumikilala sa wikang Filipino bilang midyum sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran. Sa pamamagitan ng tema, layon ng KWF na palaganapin ang wikang Filipino sa iba't ibang larang ng karunungan, lalo na sa agham at matematika."

Image result for buwan ng wika 2018

          Ang layunin ng pagdiriwang ay ang sumusunod:
·        ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997;
·        mahikayat ang iba’t ibang ahensiyang pampamahalaan at pampribado na makiisa sa mga programang tulad nito na nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko; at
·        maganyak ang mga mamayang Filipino na pahalagahan ang wikang pambansa sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawain kauganay ng Buwan ng Wikang Pambansa.


Layunin ng Buwan ng Wika na ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997 dahil mahalaga ang pagdidiriwang nito sapagkat, ang pagpapahalaga sa isang katutubong wikang pambansa ay pinatunayan ng pagkakaroon ng kaukulang probisyon sa Saligang Batas ng 1898, 1935, 1973, at 1987; sapagkat, ang isang katutubong wikang panlahat ay mahalagang kasangkapan sa komunikasyon, unawaan, kaisahan at kaunlaran ng bansa; sapagkat, ang katutubong wikang nagsisilbing batayan ng nililinang, pinauunlad at pinagyayaman pang wikang pambansang Filipino ayon sa itinatakda ng Saligang Batas ng 1987, ay gumanap ng mahalagang tungkulin sa Himagsikan ng 1896 tungo sa pagkakamit ng Kasarinlan at ang dating Pangulong Manuel Luis Quezon, ang itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa, ay isinilang noong Agosto 19, 1878.

Layunin rin ng Buwan ng Wika ang mahikayat ang iba’t ibang ahensiyang pampamahalaan at pampribado na makiisa sa mga programang tulad nito na nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko. Mahalaga ang pakikiisa sa mga programang ito dahil sabi nga na ito ang nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko o bayan o siyudad at ang mga tao na nakatira rito. Ito rin ang magpapataas sa ekonomiya ng ating bansa na siyang magiging dahilan ng paglago nito.

At layunin rin ng Buwan ng wika ang maganyak ang mga mamayang Filipino na pahalagahan ang wikang pambansa sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawain kauganay ng Buwan ng Wikang Pambansa.  Pahalagahan natin ang Buwan ng Wika dahil ito lamang ang isang paraan kung saan ipinapasa natin tradisyon sa mga bagong sibol ng ating mundo. At sabi nga ni Dr. Jose Rizal "Ang kabataan ang taniman ng mga binhing magbubunga ng masasarap at masasaganang prutas na dapat pagyamanin para sa mga susunod nating lahi."

Para sa pagtatapos ng aking sanaysay, ninanais kong ibahagi ang isang kasabihan ni Atty. Jay de Castro "Ang kabataan ang pinakamahalagang yaman ng bayan na dapat nating arugain, pakaingatan at akayin sa maliwanag na landas ng mga banal na mithiin at adhikain natin. Dapat  nating pangalagaan ang kanilang  kinabukasan para sa kaayusan, katahimikan at kaunlaran ng ating bayan."







References:
https://www.thesummitexpress.com/2018/07/buwan-ng-wika-2018-theme-official-memo-poster-sample-slogan.html
https://www.rappler.com/newsbreak/iq/179595-kasaysayan-diwa-buwan-wika
http://www.officialgazette.gov.ph/1997/07/15/proklamasyon-blg-1041-s-1997-2/
https://brainly.ph/question/1000361
https://www.facebook.com/notes/magkaisa-para-sa-bayan-inc/mga-salita-ni-dr-jose-rizal-at-inyong-lingkod-peoples-tonight-december-30-2012/10151131579466157/
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjakKMm0-0IaynKLlWeHBCKTyeEBRZg3qRgnDxisg3cYThx-jEriAd9G57eNVv1R0-0rzcZsM2JQoZjEhyaQ1nFtmJ5kVl3yXwhT-j3mdelVrnbXs1B9U-KTwgi3dkUSMbVCcblvzZ21OA/s1600/buwan-ng-wika-2018-poster.jpg

Comments

  1. O kay galing magsulat ginoo! Pagbutihan mo pa ang iyong pagsusulat sigurado na ikaw ay magkakaroon ng magandang kinabukasan bilang manunulat!

    ReplyDelete
  2. Napakahusay! Napakagaling! Kakaiba ang iyong paraan ng panunulat ipagpatuloy mo lang ito!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Reflection (Second Quarter)

    Another quarter has passed, and another new knowledge that have been gained. This second quarter, students are ready and hoping that new lessons will be added to their knowledge and exciting activities that they will do again. And I was not disappointed because this second quarter I have learned all about internet access and the HTML.            The lessons of this quarter is easy for me to understand because I was super interested in it. I may have encountered probems but I easily coped up with it and went on. At the first lesson I did not understand it at first but I thrived to learn and I asked my classmates what's all about the lesson and I understood it easily. And for the basic HTML it was easy for me and I love coding. It easily registered in my mind and didn't even have to memorize or review it because there's a trick about it.             Moving on, I will keep what I am doing because it's a good...

Kannawidan: A Showcase of Culture and Tradition

The old and the new in Ilocano culture are both featured in this year’s Kannawidan Ylocos Festival -  the festival of Ilocos Sur that celebrates it's being a separate province and it's being a treasure chest of traditions and culture.   Held in the Heritage City of Vigan from January 28 to February 17,  the festival opened with the residents’ expression of gratitude to the blessings of God on January 28.  Government workers from national and local offices, public officials and members of non-government-organizations united in the Holy Mass concelebrated at Saint Paul Cathedral in this city and the procession afterward. As people of faith in the Christian world, Ilocanos are gathered in their religious events on special feast days of patron saints. To show  this deeply-rooted culture of the people of Ilocos Sur, 40 icons of the Catholic Saints were part of the procession. During the opening of the festival on January 29 at Kannawidan gr...

Philippines: A Strong Nation

        "Resilience is the ability to recover from setbacks, adapt well to change and keep going or choose to give up in the face of adversity, so we engage stronger, wiser and more able." from The Oasis School of Human Relations. The word resilience comes from the Latin word 'resalire' which means "springing back". When the problems and adversities take your life, you instantly cope up and rise again.      We Filipinos are resilient "hindi tayo natitinag". Instances like when we are hit by a typhoon, we easily recover from it, we build raft if the water is too high, or we stock up foods to eat in the middle of the storm. When our houses are destroyed, we immediately clean the debris, we collect scraps that can help fix our houses, and start again. We always stay positive and Fel Cadiz, a Rare program manager in the Philippines, "The Filipino spirit is resilient and remains strong. As they say, the sun shines bright after the storm p...